Ang kasalukuyang KWF Diksiyonaryong Filipino-English (DFE) ay mula sa inedit na kalipunan ng mga salitáng lahok ng dati’y proyekto ng Surian sa Wikang Pambansa (SWP) na kalauna’y nailimbag sa ilalim ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 1992. Inayos ang DFE alinsunod sa mga tuntúnin ng Ortograpiyang Pambansa at isinapanahon ang mga kahulugan upang sumabay sa mga naging pagbabago sa pinakahulíng (ika-5) edisyon ng KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino.
Hangad ng sangguniang ito na makatulong sa ating mga kababayang higit na bihasa sa Ingles ngunit may pagnanais na humusay sa pag-unawa at paggamit ng Filipino.